Livelihood Training Program Para sa mga Baliwagenyo

Advertisements

Katuwang ng Municipal Agriculture office ang mga Kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) sa pagsasagawa ng livelihood training program para sa mga fisherfolk at constituents ng bayan ng Baliwag.

Naging aktibo naman ang mga nagsipaglahok sa programang ito at di alintana ng mga participants ang hirap sa pagproseso ng mga isda.Bakas sa kanilang mga mukha ang kagalakan sa programang ito ng MAO at BFAR.

Bagamat karamihan sa mga nagsipagdalo ay hindi pamilyar sa pagpapausok at deboning ng isda,naging masaya pa rin ang bonding ng bawat kalahok dahilan sa masayang pagtutulungan kasama ng mga kawani ng MAO.