Handa naba kayo? Sa 2nd Season ng Mayor Ferdie V. Estrella Inter Barangay Basketball Tournament.

Advertisements

Nalalapit na ang ikalawang pagbubukas ng 2nd Mayor Ferdie V. Estrella Inter Barangay Basketball Tournament. Ito ay natatala na magbukas sa ika – 3 ng disyembre, Linggo sa Baliwag Star Arena sa ganap na ika – 4 ng hapon. Abangan ang mga surpresang bisita na dadating sa nasabing palaro. Madepensahan kaya ng Poblacion ang kanilang korona laban sa mga barangay na gustong sumungkit ng kampeonato? Abangan ang mga kabataang edad 24 pababa na magtatagisan ng galing sa kanilang paglalaro ng basketball. Ito ay proyekto ng Mahal na PunongBayan Ferdie V. Estrella upang lalong mahubog ang mga kabataan sa larangan ng pampalakasan at para pagdating ng panahon ay mismong sa Bayan ng Baliwag ay mayroong magagaling na manlalaro ng basketball at upang iangat ang antas ng pampalakas sa bayan ng Baliwag.