BALIWAG ECCD: GALING MO KID! GRAND FINALS

Advertisements

 

Sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella ay idadaos bukas ang Tagisan ng Galing at Husay sa Pag sayaw ng mga batang mag aaral sa bawat Early Childhood Care and Development Center ng Bayan ng Baliwag, alinsunod sa pagdiriwang ng National Children’s Month.

Dito ay bibigyang prayoridad ang pangkalahatang pagtangkilik at pagkilala sa mga natatanging talento at husay sa larangan ng sining ng mga batang mag aaral na nagkaroon na ng paunang kompetisyon sa aspeto ng pag guhit, pagtula at pagkanta noong nakaraang oktubre 30, 2016.

Inaasahan na ang lahat ng magulang ng mga batang naka enroll sa Baliwag ECCD Centers ay makiisa at makisaya sa nasabing kaganapan.

Ito ay isa sa mga paraan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag na ipakita at suportahan ang galing at husay ng bawat Batang Baliwagenyo, dahil ang sabi nga ng Punong Bayan Ferdie Estrella, WALANG SINO MANG BATA ANG MAIIWAN, sama sama, tulong tulong tayo sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo, Serbisyong may Puso at Serbisyong may Malasakit sa bawat, sa lahat ng Batang Baliwagenyo!

#baliwageccd #baliwag #childrensmonth #galingmokid