Baliwag News Service

FINDING KITI KITI : TO A DENGUE FREE MUNICIPALITY

Advertisements

Alinsunod sa direktiba ng Punong Bayan Ferdie Estrella na pababain o tuldukan na  pagtaas ng bilang ng mga baliwagenyong nabibikitma ng dengue, ay nagsagawa ng Dengue Prevention and Control Program ang Rural Health Units ng Baliwag katuwang ang mga Sanitation Inspectors ng nasabing Bayan.

Sa nasabing programa ay nagkaroon ng pagbisita sa bawat iskwelahan kung saan nagkaroon ng inspeksyon sa mga lugar na madalas ay maging pugad ng mga kiti kiti.

Nagkaroon ng paglilinis sa kapaligiran at pagtuturo sa mga estudyante at mga mangagawa sa paaralan sa wastong pagpapanatili ng kalinisan hindi lamang sa loob ng silid aralan bagkus ay maging sa labas at kapaligiran na siyang malimit na maging pugad sa pagpaparami ng lamok.

Inaasahan na sa pagbisita sa lahat ng pampublikong paaralan sa bayan ng Baliwag ay magkakaroon ng mas mataas na lebel ng kamalayan ang mga estudyante lalong higit ang pamayanan sa mga gawain na magwawakas sa paglaganap ng dengue sa ating bayan.

Dahil sa bayan ng Baliwag, sama sama tayong magwawakas sa Dengue, malinis na pamayanan, Malusog na kabataan!

Advertisements