Baliwag News Service

BALIWAG’S BAHAY BULILIT 

Nito lamang nakaraang Oktubre 26-29, 2017 ay nagpadala ang Punong Bayan Ferdie Estrella ng representante mula sa Baliwag ECCD para sa Bahay Bulilit Teacher’s Training program na isinagawa ng Ronald Mc Donald House of Charities of the Philippines.

Alinsunod sa kagustuhan ng Punong Bayan na higit na mapabuti at mas mapaganda pa ang pagbibigay ng dekalidad na Day Care Service sa bawat Batang Baliwagenyo.

Sa nasabing training ay ipinadala si Bb. Cecilia Villafuerte (Guro ng Ronald Mc Donald Day Care Center) na kung saan nagpakita ng galing at husay ang Bayan ng  Baliwag na siyang nabigyan ng pagkilala at parangal sa dalawamput apat pa na representante mula sa ibang bayan sa luzon at nahirang  na pinaka mahusay sa pag babasa ng istoryang pambata para sa mga batang edad 3-5, gayundin ang malikhaing pagsasagawa ng pag gamit ng instrumento, arts at crafts na pang bata.

Sa nasabing pagsasanay ay binigyan ng dagdag kaalaman ang mga guro sa pag bibigay ng angkop na mga aktibidad para sa mga batang nag aaral sa isang day care center. Nagkaroon din ng mga pagsasanay sa mga stratehiya sa maayos at epektibong pag tuturo na siyang isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ngayon sa ating bayan upang lahat ng mga batang nasa mga centers ay mabigyan ng angkop na mga gawaing magpapaunlad sa kanilang kalinangan sa aspeto ng sining, musika at paglikha.

Inaasahan na dahil dito ay mas mapapaganda pa ang sebisyong handog ng mga center sa bayan ng Baliwag na nangangalaga sa mga batang edad 3-5 sa ilalim ng Early Childhood Care and Development Program.

Advertisements