Baliwag News Service

NATIONAL CHILDRENS MONTH: KAYO ANG BIDA SA PUSO NG BAWAT BALIWAGENYO!

Nito lamang Oktubre 30, 2017 ay pormal nang sinimulan ang Pagdiriwang para sa National Children’s Month na ipagdiriwang sa buong buwan ng Nobyembre 2017. Sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella ay nagkaroon ng mabusising paghahanda ang Pamahalaang Lokal para sa nasabing pagdiriwang. Alinsunod sa kagustuhan ng Punong Bayan Ferdie Estrella na mabigyan ng hindi lamang ng kasiyahan ang bawat batang baliwagenyo ay ang masiguro ring maproteksyunan ang mga ito sa mga banta ng pang aabuso at mapabuti pa ang antas ng kanilang kalusugan ay inatasan nito ang lahat ng mga departamentong may kinalamaan sa pangkalahataang kagalingan para sa mga kabataan na magkaroon ng mga programa at aktibidad na aangkop sa mga pangangailangan ng bawat batang Baliwagenyo.

Ang mga nasabing Aktibidad at kaganapan ay ang mga sumusunod:

1. Baliwag ECCD Talents Competition

-Oktubre 30 at Nobyembre 8, 2017

2. Baliwag ECCD Dental Service

-Nobyembre, Disyembre 2017

3. Panunumpa ng mga ECCD Officers

Magulang at mga Guro

-Nobyembre 6,2017

4. Rise Against Hunger Meal Packing Event

-Nobyembre 13,2017

5. FamBam Baliwag

-Nobyembre 2017

6. Free Aikido Training 

-Twing sabado ng Nobyembre

7. Childrens Fair

-Nobyembre 21,2017

8. Children’s Benefits Concert

-Disyembre 1,2017

At marami pang nakalinyang aktibidad.

Tunay nga na bilang Ama ng bawat Baliwagenyo, nagnanais ang ating Punong Bayan Ferdie Estrella na hindi lamang mabigyan ang bawat baliwagenyo ng pantay na oportunidad para sa pag asenso bagkus mapangalagaan at maproteksyunan ang bawat kabataan sa mga banta ng nagbabagong panahon, ang masiguro ang dekalidad na edukasyon at magandang kinabukasan para sa bawat Baliwagenyo.

Dahil sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag walang ibang bida kundi Kayo, ang bawat Bata at mamayang Baliwagenyo!

#serbisyongmaymalasakit #serbisyongmayresulta #baliwag #childrensmonth #baliwageccd

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.