Batang Baliwagenyo Month, Nagsimula na!

Advertisements

Naging maaga ngunit makabuluhan ang naging panimula ng buwan ng mga bata sa Baliwag matapos itong ipagdiwang sa pamamagitan ng Trick Or Treat, Preliminaries ng Galing Mo Kid! at Inagurasyon ng Bagong Child Safety Bay at Entrance Gate ng Mariano Ponce.

Ang buwan ng mga bata ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Nobyembre. Ninais nga ni Mayor Ferdie Estrella na maging masaya, maayos at makabuluhan ang magiging selebrasyon ng Buwan ng mga Bata.

Ang tatlong aktibidad na iyon ay walang ibang layon kung hindi ang itulak ang karapatan ng mga bata, at mapalaki silang hindi kailanman napagkaitan ng mga mahahalagang karapatan kontra pang-aabuso, pagkitil sa paglinang at lumaki ng normal.