Baliwag News Service

Baliwag Undas 2017 Local Task Force: All Set at Wifi Ready

Nais ni Mayor Ferdie Estrella na maging maayos at hassle-free ang ating undas upang ito ay maging isang magandang okasyong upang sariwain ang ala-ala ng ating mga yumaong mahal sa Buhay.

“Handa at nakalatag na nga ang preparasyon para sa Undas 2017.” Iyan nga ang naging pahayag ng Commander ng Incident Command System na inilatag ngayon Undas 2017 na si Baliwag MDRRMO Action Officer Tagumpay Cruz. Ang Local Task Force naman ay binubuo ng iba’t-ibang departamento at tanggapan sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag. Pinangunahan ito ng Tanggapan ng Punongbayan at katuwang ang mga tanggapan ng MDRRMO, PNP, BTMO, BFP, Menro, Health, Engineering, GSO at mga pamahalaang Barangay. Ang Muncipal Information and Communications Technology Office o MICTO at Public Information Office ang siyang mamahala sa public wifi na ipinalagay ni Mayor Ferdie para sa madaling komunikasyon.

PUBLIC WIFI

Samantala, ang PUBLIC FREE WIFI ay magagamit sa mga sumusunod na lugar: Baliwag Memorial Park entrance, Gate Way To heaven Entrance, Gitna ng Catholic Cemetery, Corner ng Cunanan St. at sa may Bisita ng Sto. Cristo

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.