Baliwag News Service

Mayor Ferdie at mga Chikiting, papasinayaan ang Child-Safety Bay at Entrance Gate ng MPHNS

Nakatakdang pasinayaan ni Mayor Ferdie Estrella kasama ang mga bata, guro, magulang at mag-aaral ng Mariano Ponce National High School ang child-safety bay at bagong security Gate ng Mariano Ponce National High School.

Ito nga ay ang una sa tatlumpu at isang child-safety bay at security gate na ipapagawa upang masigurong ligtas sa pagsakay at pagbaba ang mga bata sa sasakyan.

Maaari ngang mahagip at masagasaan ang mga bata kung ibinababa sila sa kalsada mismo, ani Mayor Ferdie.

Nakatakda rin niyang lagdaan ang isang Executive Order na nagtatatag ng isang LIGTAS NA KULTURA sa ating bayan.

Bukas nga ang hudyat ng pagsisimula ng pinakamalaking selebrasyon ng CHILDREN’s MONTH sa Baliwag.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.