ISANG PABATID MULA SA ATING PAMAHALAANG BAYAN NG BALIWAG PARA SA PAGDIRIWANG NG UNDAS 2017

Advertisements

Pinapaalala po sa lahat na mga pupunta sa ating mga sementeryo na sundin ang ilang mga alituntunin na pinapairal dito. Ipinagbabawal po ang pagdadala ng mga matutulis na bagay, mga inuming nakalalasing, malakas na sound system, at kung maari ay iwasang magdala ng mga mamahaling gamit o alahas. Pinapaalalahanan din po na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar. Pinapakiusapan din po ang lahat na sumunod sa ipatutupad  na Town wide Ban o Pagbabawal sa pag-gamit ng Plastic at Styrofoam sa ating bayan ngayong buong buwan ng Nobyembre.

Para sa ating mga basura, mangyari po lamang na ilagay natin sa isang lalagyan at huwag ikalat o basta itapon ang ating mga basura. Kung maari sana ay atin nalang iuwi ito upang mabawasan ang basurang maiiwan sa ating mga sementeryo.

Magkakaroon tayo ng re-routing scheme kaya Inaasahan po ang mabigat na daloy ng trapiko at upang maibsan ang inaasahang mabigat na daloy ng trapiko, inaasahan po ang lahat na sumunod dito.

At kung may mga emergency, mayroon tayong mga itinalagang mga emergency response group sa bawat sementeryo upang tumugon sa mga atensyong medical. Narito ang ating hotline para sa emergency response: 0917-505-7827 o 0939-999-7827.

Sa atin ding pagpunta ay huwag nating kalimutang ipanalangin ang mga mahal nating sa buhay na namayapa na. Nawa ay maging maayos, makabuluhan at mapayapa ang pagdiriwang natin ng Undas. Maraming Salamat po.