Wi-FiVE ngayong Undas 2017

Advertisements

Ngayong taong ito sa pagdiriwang natin ng Araw ng mga Banal at Araw ng mga Patay, ang Pamahalaang Bayan ay maglalagay ng Free Wi-FiVE sa ating mga Sementeryo sa Barangay ng Sto. Cristo. Maaring makaconnect  ang mga pupunta sa Sementeryo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2. Para makaconnect, buksan lamang ang Wi-Fi ng iyong cellphone o tablet at piliin ang Baliwag Wi-FiVE. Kapag naka-connect na ay makakarating kayo sa landing page na mangyari itype ang password na ferdievestrella. Kapag naka-connect na tayo, ma-eenjoy nyo ang 1 Hour Free internet na may bilis na 3mbps download at 3 mbps download at wala itong Data Capping. At kung maubos ang isang oras at kayo ay nabitin, huwag mag-alala dahil kaylangan nyo lang maghintay ng 30 minuto at pagkatapos nito ay makakaconnect ulit kayo. Huwag kalimutang i-download ang ating Baliwag Mobile App kapag tayo ay nakaconnect na sa Wi-Fi. Nais ng ating Punong Bayan Mayor Ferdie V. Estrella, na ang bawat isa ay maging connected sa ating internet. Ito ay isa sa mga pangako sa atin ni Mayor Ferdie na naghahandog ng Serbisyong May Malasakit.