Mga Gawain sa Parokya ni San Agustin sa Panahon ng Undas

Advertisements

 

Sa araw ng Undas, Nobyembre 1, ang Parokya ni san Agustin ay magdadaos ng misa sa mga sumusunod na oras, 5:30 ng umaga, 7:00 ng umaga at 8:00 ng umaga. Ang pagbabasbas ng mga puntod ay gaganapin sa ganap na ika-8 ng umaga. Mayroon ding misa sa Bisita ng Sto. Cristo sa ganap na ika-4 ng hapon at wala po tayong misa sa ating Parokya pagdating ng hapon.. Pinapaalalahan din ang lahat na nagnanais magpamisa na ng mas maaga. Hindi na po tatanggap ng pamisa sa araw na nabanggit. Pinapaalalahan din ang lahat ng magpupunta sa sementeryo na mag-ukol ng panalangin para sa mga mahal natin sa buhay na pumanaw na. Gayun din, ang mga kalat o basura ng ating mga pinagkanan ay dapat nating sinupin o di kaya ay ating ilagay sa mga basurahan at huwag itapon sa paligid.