Naging sentro ng talakayan ang pagkakaroon ng mabilisang produksyon ng nasabing Benefits Card na titiyakin ng Pay Maya, ang Card ay magisislbing tulay sa ibat ibang Serbisyong Handog ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa bawat Baliwagenyo. Pinag usapan rin dito ang ibat ibang bahagi ng implementasyon ng pagpapamahagi ng Benefits Card, tulad ng pag profiling o pag interview sa bawat pamilyang Baliwagenyo, pag proproseso sa paglilimbag ng mga personalized Baliwag Benefits Card ID at ng iba pang magiging gamit nito.
Ilan sa mga gamit ng nasabing Card ay ang pagiging Valid ID nito para sa mga Baliwagenyo, pagkakaroon ng access sa CASH LESS TRANSACTIONS, pagkakaroon ng fast lane access sa mga serbisyong medical at pangkalusugan sa bawat Rural Health Centers at Baliwag Malasakit Center at marami pang iba.
Nasa nasabing pagpupulong ang mga representante ng Pay Maya na sina Ma. Chrisitina Tagle (Lead Business Development Officer), Tisha C. Quinitio (Enterprise Head) gayundin ang mga puno ng tanggapan ng bayan ng baliwag , Josefina Tanggol (Budget Office), Martiniano Javier (Treasury Office), Melanie Cruz (Chief of Staff), Jinky Bron (Community Affairs Office), Sheena Cruz (Municipal Administrators Office) Alvin Lee Asuro (Social Services Specialist) at Antonio Sablan (Public Information Office).
Naging mabunga ang naging palitan ng dayalogo sa pagitan ng mga representante ng Pay Maya at Bayan ng Baliwag, inaasahan na sa darating na Nobyembre ay magsisimula na ang profiling phase ng proyektong ito at ang pagpapamigay ng nasabing Benefits Card sa buwan ng Disymbre.
Sa bayan ng Baliwag, sama sama, magkakatuwang ang lahat sa pagbibigay ng Serbisyong May Malasakit, at Seribsyong may Resulta!
#baliwagitoangbayanmo #serbisyongmaymalasakit #dugongbaliwagpusongbaliwag #serbisyongmayresulta