Baliwag News Service

ANG BAYAN NG BALIWAG AT LUNSGOD NG QUEZON.

Advertisements

Nito lamang Oktubre 24, 2017 ay bumisita ang Social Cluster ng Baliwag sa Lungsod ng Quezon sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella at Pambayang Taga Pangasiwa Enrique Tagle para sa layuning magkaroon ng pagbabahagi ng kaalaman ukol sa pagtatatag ng sariling “HUMAN MILK BANK” sa bayan ng Baliwag.

Nagtungo ang mga kinatawan ng Baliwag na sina Ms. Brenda Bernado (NutriPop), Dra. Joan Dinlasan (MHO), Konsehala Madette Quimpo, Dra. Edith Dela Cruz, Ms. Josephine Nicolas, Mr. Alvin Lee Asuro (Social Services Specialist) at Ms. Dream Loquinario (BF Bulakenya) sa City Hall ng Quezon City upang lumahok sa presentasyon ni Konsahala Mayen Juico ukol sa Quezon City Human Milk Bank project/ program ng Lungsod, na nagalalayong maisalin ang kasanayan sa ating bayan upang maitatag rin ng ating bayan ang sarili nitong Human Milk Bank.

Nasa nasabing aktibidad rin ang Ikalawang Punong Bayan Belmonte at dating House Speaker Belmonte upang tumugon sa mga katanungan at magbigay ng mga karagdagang impormasyon at stratehiya sa pagsusulong ng nasabing Proyekto sa Bayan ng Baliwag.

Mainit na tinanggap ng Lungsod ng Quezon ang mga delegado ng Baliwag na kung saan ay personal pa na inilibot ni Councilor Mayen Juico ang mga ito sa City Hall at Panglungsod na Pagamutan ng Quezon.

Naging mabunga ang naging pag bisita at dayalogo sa pagitan ng Bayan ng Baliwag at Lungsod ng Quezon. Inaasahan na sa pag yakap ng bayan ng Baliwag sa bisyon na magkaroon ng sarili nitong Human Milk Bank ay aalalay at magiging katuwang nito ang Lungsod ng Quezon, na nag kakaisang maghatid ng mga serbisyong may Malasakit at may Tiyak na Resulta!

Baliwag, ito ang Bayan mo!

#serbisyongmaymalasakit #serbisyongmayresulta #dugongbaliwagpusongbaliwag

Advertisements