Baliwag News Service

ANG BAGONG BALIWAG SOCIAL PROTECTION CENTER

ni: Gerard Mhel Tolentino Pormal ng binuksan sa publiko noong Oktubre 9, 2017 ang bagong gawang Baliwag Social Protection Center.  Ang dating Baliwag Fire Station na pinaayos at mas pinaganda ni Mayor Ferdie V. Estrella upang maging kumportable ang mga taong pupunta dito. Tatlong (3) tanggapan na nagbibigay ng serbisyong may malasakit sa ating mga kababayang nakakaranas ng kagipitan ang nakakatulong dito. Ito ay ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na pinamumunuan ni Bb. Josephine G. Lopez, Urban Poor Affairs Office (UPAO) sa pangunguna ni G. Eddie San Gabriel at Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa patnubay ni Gng. Mercy Grace Ventura. Ang Baliwag Social Protection Center ay matatagpuan sa likuran ng Municipal Compound.
Advertisements