Sunog sa Baliwag Municipal Compound

Advertisements

Tinupok nga kanina mga bandang 4:20 ng hapon ang mga lumang gusali ng Philippine National Police, Municipal Agriculture Office at kasalukuyang inookupa ng General Services Division-Mainetenance and Logistics Section. Ang lumang gusali na ito ay itinayo higit na ngang mga 15 taon na at nilisan ng PNP dalawang buwan na ang nakalipas matapos na ito ay lumipat sa kanilang bagong tayong gusali sa Baliwag Government Complex sa DRT Highway.  Nagdeklara ng Fireout ang Fire Marshall mga 5:45 ng hapon.

Magkakatuwang at Malasakit

Hindi nga matatawaran ang ipinamalas na malasakit ng Baliwag Procession Assistance kasama pa ang iba’t-ibang mga civil society organizations dito sa ating bayan tulad ng BIRA, BARG, Onatek at ng fire brigade volunteer ni former Mayor Eboy Tengco. Ang mga karatig na munisipalidad naman ay agad din nagpadala ng kanilang mga tulong sa pamamagitan ng kani-kanilang mga Bureau of Fire Protection. Agad na sumaklolo ang mga BFP ng Bustos, Pulilan, San Rafael at San Ildefonso. Ang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ni Mayor Christian Natividad ay nagpadala na din ng kanilang BFP kahit na ito ay nasa Alarm 1 pa lamang upang masiguro na nakaalalay ang kanilang brigada.

Nagpaapasalamat naman si Mayor Ferdie Estrella na kanina ay nasa compound upang obserbahan ang sitwasyon at nagpapasalamat sa mga Baliwagenyong nagpakita ng malasakit sa ating pamahalaan gayun din sa kanyang mga kapwa alkalde na agarang tumalima sa atin tulad nina Mayor Arnel Mendoza ng Bustos, Mayor Goto Violago ng San Rafael, Mayor Carla Galvez-Tan ng San Ildefonso at Mayor Christian Natividad ng Lungsod ng Malolos.

BFP Baliwag at mga Kawani

Mabilis at determinado din ang ginawang pagresponde ng ating BFP Baliwag sa pangunguna nina SF03 Amando Villanueva, SF03 Cenon Palileo, SF01 Jaycee Cruz at F01 Leovinson Irabon. Si Mayor Ferdie Estrella ay agad na tumungo sa Pamahalaang Bayan at kinailangan putulin ang kanyang pagsisimba. Maagap din na dumating si Municipal Administrator Enrique Tagle at iba pang mga kawani ng pamahaalan upang gawin ang mga protocols ukol sa sunog.  Tinataya na ngayon gabi ay lalamayin ng mga ito ang pagsisiguro na bukas ay normal ang magiging operasyon at hindi maaantala ang serbisyo ng Pamahalaang Bayan. Nagdeklara nga na may pasok bukas at magiging normal ang operasyon dito.

Municipal Trial Court

Ang nasunog na gusali sana ang magiging pansamantalang Municipal Trial Court habang inaantay ang pagpapatayo ng Hall of Justice na hiniling ni Mayor Ferdie Estrella kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Nakatakda nga sanang lumipat ang MTC sa susunod na taon bago irenovate ang una at ikalawang palapag ng Main Building upang gawin executive offices at isang maayos naman na lobby at Treasury Operations.

Response and Protocol Review

Samantala, sinabi ni MA Eric Tagle na magsasagawa ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag ng process review at ebalwasyon ng naging responde ng mga units na may kinalaman sa preparedness at rescue upang ma-evaluate ang inilatag na protocols gayun din naman ay malaman alin ang hindi nasunod sa mga ito.

Felix the Great

You do not have sufficient freedom levels to view this video. Support free software and upgrade.

Isang kawani nga ng pamahalaang bayan ang pinapurihan ni Mayor Ferdie dahil sa kanyang ipinamalas na malasakit sa ating munisipyo. Si Felix is ay naka assigned sa General Services Office – Maintenance Section.
14.9541961120.9010222
Advertisements