Baliwag News Service

Bomb Threat sa Marian College

Araw ng Miyerkules (Oktubre 18, 2017) ng ang mapayapang umaga sa paaralan ng Marian College ay napalitan ng takot at pangamba. Isang text message mula sa isang hindi kilalang numero ang natanggap ng Prinsipal ng paaralan na si Bb. Edna Tobias na naglalaman ng mensaheng “Balita ko po may nagplanta ng bomba dyan sa Marian! Narinig ko kanina. Sa kinauukulan sana maging ligtas ang mga bata.” Bandang 7:30 ng umaga. Humingi ng tulong sa kinauukulan si Bb. Tobias bandang 8:45 ng umaga. Kasama ang tanggapan ng MDRRMO Rescue FVE na umagapay sa mga mag-aaral na lumabas ng nasabing paaralan upang maisagawa ang inspeksyon ng gusali. Bandang 1:00 ng hapon ng maideklarang negatibo ang natanggap na impormasyon.

Muli, ang Bomb Threat ay isang seryosong bagay. Ang Baliwag Rescue FVE katuwang ang ating otoridad ay patuloy na magpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa ating bayan.

Para sa Serbisyong May Malasakit!

Advertisements