Baliwag News Service

Special Announcement Mula sa BTFRB

Bilang tugon sa mga dayalogo at panayam sa iba’t ibang sektor na may kinalaman sa pagkuha ng prangkisa ng traysikel, ang mga sumusunod ay ipinababatid sa lahat:

  1. Pagkakaroon ng extension para sa pagpaparehistro ng Non-Baliwag Tricycle Operators and Drivers Association (TODA)

Ang kahilingan ng mga pangulo ng mga TODA mula sa mga karatig na bayan ng Baliwag na i-extend ang pagkuha ng prangkisa ay pinagbibigyan. Kaya, ang pamahalaang bayan ay tatanggap ng aplikasyon para rito hanggang sa ika-31 ng Oktubre, 2017.

  1. Muling pagbubukas ng aplikasyon para sa Natatanging Prangkisa (Special Franchise)

Ang kahilingan na muling ibukas ang aplikasyon para sa Natatanging Prangkisa (Special Franchise) ay pinagbibigyan.

Ang mga traysikel na ginagamit bilang pribadong panghatid (service) sa paaralan, trabaho at negosyo na bumabagtas sa mga lansangan ng Baliwag, Bulacan lalo na sa Plaza Naning at Baliwag Public Market ay kinakailangan na mai-rehistro at mabigyan ng natatanging prangkisa (special franchise). Ang Business Permit and Licensing Office ang nagpo-proseso sa mga aplikasyon para rito.

Ang mga sumusunod ang requirements para sa aplikasyon ng Special Franchise:

a. Official Receipt (O.R.) at Certificate of Registration (C.R.) ng motorsiklo

b. Kinakailangang may nakakabit na pirmihang pinto ang sidecar ng traysikel

k. Ang traysikel ay laan lamang bilang pribadong panghatid (service) sa paaralan, trabaho at negosyo

d. Ang motorsiklo ay hindi nagamit para mabigyan ng Motorized Tricycle Operators’ Permit (MTOP) ang operator o driver nito, o ito ay ginagamit dahil ang drayber o operator ng traysikel ay miyembro ng anumang Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA)

e. Limang daan at limampung-pisong (P 550.00) bayad sa rehistro

 

  1. Requirements sa renewal ng prangkisa para sa mga Baliwag Tricycle Operators and Drivers Association (TODA)

a. Voter’s ID

b. Proof of billing kung saan nakasaad ang pangalan ng aplikante

k. Driver’s license

d. Resibo at rehistro (Official Receipt at Certificate of Registration) ng motorsiklo na gagamiting pamasada

e. Barangay Clearance

g. Roadworthiness Test (Inspection) Report

h. Sertipikasyon mula sa pangulo ng TODA

 

Kapag sila ay na-renew, matatanggap ang mga sumusunod mula sa Pamahalaang Bayan:

a. Updated Tricycle Fare Matrix

b. Decal/Sticker (kung saan nakasaad ang expiration ng prangkisa)

k. Parking Pass Plate

Ang prangkisa ay ipinagkakaloob ng pamahalaang bayan sa mga nagta-traysikel para sila ay makapamasada sa mga lansangan dito sa bayan ng Baliwag. Ang Business Permit and Licensing Office ang nagpo-proseso sa mga aplikasyon para rito. Makalipas ang ikatlong taon, ang prangkisa ay mawawalan ng bisa. Sakaling nais na ipagpatuloy ang paggamit sa prangkisa, kailangan na ito ay i-renew.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.