Baliwag News Service

SA BALIWAG LAGING K-LIGTAS!

Advertisements

Nito lamang nakaraang Oktubre 11, 2017 ay nagsagawa ng pagbisita ang Meralco Assessment Team sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag alinsunod sa nominasyon nito para sa prestihiyosong “K-Ligtas” Award mula sa Meralco Foundation.

Dahil sa mahusay at may malasakit na pamumuno ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella at ng Pambayang Tagapangasiwa Ginoong Enrique V. Tagle, ay isa ang Bayan ng Baliwag sa iilang mga Bayan na naging nominado para sa nasabing Karangalan.

Ang K-Ligtas o Kuryente Ligtas ng Meralco Foundation ay kumikilala sa mga piling piling Probinsya, Lungsod, at Bayan sa buong Bansa na nag papamalas ng natatanging mga hakbang at programa sa pagisiguro sa kaligtasan ng bawat mamayan sa kanilang nasasakupan.

Tinitignan din ang mga programang pang kalikasan tulad ng waste management and natural resource conservation.

Nasa nasabing pagsusuri ang K-Ligtas Assessment Team ng Meralco Foundation na pinangunahan ni Ms. Rowena Lugay kasama sina Mr. Marlon Manaois, Mr. Ivan Caina, Mr. Jr Atienza, Mr. Wilfredo Bartolome at Mr. Noel Cruz. Dinaluhan at nakipag pulong sa mga delegado ng Meralco ang ating piling mga Empleyado ng Pamahalaan upang sagutin ang ilang mga katanungan ng nasabing Team at samahan ang mga ito sa pag susuri sa mga piling lugar sa ating bayan, Pinangunahan ng ating Pambayang Tagapangasiwa Ginoong Enrique V. Tagle ang grupo kasama sina, Rufino Bolactia (MEOffice), Noel Encarnacion (GSO), Edgar de Guzman (GSOffice), Brainard Ardonia (MITO), Michael Flores (PACC), Sheena Mariz Cruz (MAOffice), Edgar Luna (MENRO), Alvin Lee Asuro (MAOffice), Romeo Santos (MEO), Tagumpay Cruz (MDRRMO), Ariel Cabingao (Barangay Captain) at Ricardo Romulo (Barngay Captain).

Naging produktibo at matagumpay ang nasabing validation sa ating bayan, naging mabunga ito dahil sa nabatid ng ating Pamahalaang Lokal ang mga bagay na maari pa nating gawin upang mas mapabuti at mapahusay ang mga serbsiyo at mga programang nag sisiguro sa kaligtasan ng bawat Baliwagenyo.

Inaasahan na bago matapos ang taong 2017 ay magkakaroon ng pinal na resulta ang isinasagawang validation ng K-Ligtas Assessment Team.

Para sa Serbisyong May Malasakit, at May Resulta!

Sa Baliwag lagi tayong K-Ligtas!

Advertisements