Baliwag News Service

NGITING BALIWAGENYO

Advertisements

Alinsunod sa nalalapit na pagdiriwang ng “National Children’s Month” ay nagkaroon ng programa ang Department of Health katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Baliwag sa Pangunguna ng Igg. Punong Bayan Ferdie Estrella para sa mga mag aaral ng Baliwag Early Childhood Care and Development sa lahat ng centers nito sa ating bayan.

Nakipag Ugnayan si Dra. DeLara sa tanggapan ng Pambayang Tagapangasiwa, Ginoong Enrique V. Tagle na siya ding co-chairman ng ECCD ng Baliwag. Inatasan nito si Ginoong Alvin Lee Asuro upang ibaba at i-organisa ang mga guro at magulang ng bawat Day Care Center alinsunod sa magiging Dental Health Activity sa bawat Center sa ating bayan.

Layunin ng programang ito ay ang mabigyan ng wastong kaalaman ang mga magulang at mag aaral sa wastong pangangalaga sa ngipin. Isa rin sa mga ibibgay na serbisyo ay ang paglalagay ng fluoride, pagtatanggal ng sira ng ngipin at paglalagay ng pasta.

Sinimulan ang nasabing aktibidad nitong Oktubre 16, 2017 at inaasahan na tatagal hanggang sa unang dalawang buwan ng taong 2018, tinatayang mahigit kumulang dalawang libong mag aaral sa Day Care Service ang mabibigyan ng Libreng Dental Service na ito.

 

Serbisyong May Malasakit, Serbisyong may Resulta!

Advertisements