Baliwag News Service

DSWD : KAMUSTAHAN SA BAYAN NG BALIWAG

Nagkaroon ng pagbisita ang Regional DSWD Field Office III sa Bayan ng Baliwag nito lamang Oktubre 11, 2017 alinsunod sa Malawakang Kamustahan na isinasagawa ng nasabing Tanggapan sa mga tahanan ng lahat ng mga Benepisyaryo ng mga Programa nito sa ating bayan.

Sa pangunguna ng Punong Bayan Ferdie Estrella at ng Municipal Action Team sa superbisyon ni Mr. Enrique Tagle (Municipal Administrator) ay nakipag tulungan ang Pamahalaang Lokal ng Baliwag sa DSWD upang maisagawa ng maayos ang nasabing aktibidad.

Layunin ng nasabing kamustahan ay ang matukoy ang naging epekto ng mga “Anti Poverty Programs” ng National Government sa tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Baliwag, tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, Sustainable Livelihood Program, Senior Citizens Pension at ilan pang programa na handog sa mga kababayan nating higit na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.

Nasa nasabing aktibidad ang mga panauhin mula sa DSWD Regional Office III, sa pangunguna ni Ms. Fritzie Joy Cunanan (Provincial Link, DSWD Pampanga), at ng mga representative ng bawat unit ng tanggapan. Ang Municipal Action Team sa Pangunguna ni Roschelle Ingco, Aubree Chavez, at Winona Reves, Tanggapan ng Pambayang Tagapangasiwa Enrique Tagle, Melanie Cruz mula sa Opisina ng Punong Bayan, Alvin Lee Asuro Social Services Specialist, at Josephine Lopez Hepe ng MSWD Office.

Inaasahan na matalakay ang naging resulta ng kamustahan ng nasabing Ahensya sa darating ng Disyembre sa taong ito.

Para sa Serbisyong May Malasakit at May Resulta!

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.