BALIWAG WATER DISTRICT : DENTAL HEALTH SERVICE FOR DAY CARE STUDENTS

Advertisements

Alinsunod sa pagpapabuti at pagsasaayos ng serbisyo ng Day Care Service, ay nagsagawa ang Baliwag Water District ng Dental Health Mission sa apat na piling ECCD Centers ng Baliwag na kanila ring hinandugan ng konstruksyon ng handwashing and toothbrushing area.

Sa Pangunguna ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella at Pambayang Tagapangasiwa Enrique Tagle ay nagkaroon ng magkatuwang na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mag aaral ng Baliwag Early Childhood Care and Development na siyang naging paksa sa nakaraang ECCD Meeting kasama ang mga pribadong mga kumpanya at organisasyon. Sa nagdaan Closing the Loop Ceremony ay nagpahayag ang Baliwag Water District na sila ay mag papatayo ng apat na hand washing and tooth brushing area sa mga ECCD Centers ng Barangca, Poblacion B, Tarcan at Tarcan Mulawin.

Naging katuwang ng Baliwag Water District ang Philippine Dentists Association at ng Kapisana ng mga Dentista sa Bulacan (KADEBU) sa pagbibigay ng serbisyong may malasakit sa mga estudyante ng mga nasabing Day Care Centers. Nagkaroon ng paglilinis sa ngipin, tooth extraction, paglalagay ng fluoride at ng pag papasta sa mga batang pasyente na ibinigay ng libre. Nagkaroon din ng story telling at pambatang pagtalakay sa wastong pag huhugas ng kamay at pagsisipilyo. Bago matapos ang nasabing programa ay nagpamigay ng Hygiene Kit ang Baliwag Water District sa mga mag aaral.

Naruon ang Baliwag ECCD Technical team na sina Alvin Lee Asuro (Social Services Specialist) at Carolina San Juan (Administrative Offier V) na siyang nag asikaso at nagpadaloy ng programa sa nasabing mga Day Care Centers.

Tunay ngang makikita sa mga ngiti ng mga bata ang saya at pagkagalak sa serbisyong kanilang natanggap mula sa Baliwag Water District at Pamahalaang Lokal, nawa ay maging daan ito sa mas malusog na mga Baliwagenyo at maisapuso ng bawat bata ang kalinisan sa kanilang araw araw na gawain.

Sama Sama, Magkakatuwang tungo sa mas Maunlad na Bayan ng Baliwag!