Baliwag All Saint’s Day Committee, nagpulong. Free Wifi handog ni Mayor Ferdie

Advertisements

Pinangunahan nga kanina ni Municipal Administrator Enrique Tagle ang pagpupulong ng lupon na mamamahala upang maisakatuparan ang isang maayos, payapa, ligtas at malinis na Undas o ang ALL SAINT’s DAY. Kasama sa pagpupulong ang iba’t-ibang pinuno at kinatawan ng mga tanggapan ng pamahalaan kasama na ang Baliwag PNP, Baliwag Fire Protection, Baliwag Disaster Risk Reduction Office, Baliwag Traffic Management Office, Baliwag Public Information Office, Baliwag Health Office, Baliwag Public Assistance and Complaint Center, General Services Office, Baliwag Information and Communications Technology Office at mga barangay ng Santo Cristo, Makinabang at Tarcan.

Incident Command System

Ipapatupad naman ng Baliwag Rescue FVE ang Incident Command System sa araw ng Undas upang pangunahan ang mga preparasyon at maitala ang maayos na pagdiriwang ng undas sa buong bayan ng Baliwag. Nakapwesto ang mga Civil Society Organizations sa iba’t-ibang mga sementeryo o memorial parks upang umasiste sa mga dadalaw sa puntod. PNP naman ang mangunguna sa seguridad at inspeksyon ng mga papasok sa dito. Ang PNP ay katuwang ang mga barangay ng Poblacion, Concepcion, Tiaong, Bagong Nayon, Tangos at San Jose. Ang BTMO kasama ang Brgy. Pagala ang mamamahala sa kaayusan ng trapiko at parking.

Parking Space

Ang mga sasakyan ay maaring ipark sa SM Terminal Parking o kaya ay sa Farmer’s Trading Center o kaya ay sa Baliwag Star Arena at Malasakit Center. Mayroon tatlong LIBRENG SAKAY STATION sa Farmer’s, Star Arena/Tennis Court Parking Space at sa may LACA. 

Cleanest All Saint’s Day

Nanawagan naman ang komite sa mga Baliwagenyo na gawin ngang pinakamalinis na all saint’s day ngayon sa pamamagitan ng BYOB System o bring your own bag system. Wala nga naman dahilan upang ang mga pagkain ay nadala ngunit ang basura ay hindi maiuwi. Gawin na din iyon bilang paggalang sa himlayan ng ating mga mahal sa buhay. Samantala, bawal din ang paninigarilyo; pagdala ng alak o anumang inuming nakakalasing; pagdala ng gamit na nakakasakit tulad ng kutsilyo at patalim.

Free Wifi

Maghahandog din ang Pamahalaang Bayan ng Baliwag ng Libreng Wifi sa paligid ng sementeryo. Baliwag nga ang kauna-unahang bayan sa Bulacan at iilan sa buong Pilipinas ang may ganitong serbisyo bukod pa sa Baliwag lamang ang bayan sa lalawigan na mayroong electronic service sa pamamagitan ng sariling Baliwag APP