Baliwag News Service

Pamamahagi ng Newcastle Disease Vaccine isinagawa sa San Roque

 

Katuwang ng Municipal Agriculture Office Veterinary Division ang Provincial Veterinary Office(PVO)  sa pamamahagi ng NCD vaccine sa mga Poultry raiser ng Barangay San Roque.

Bilang paghahanda sa anumang sakit kasama na ang Avian Influenza(AI) na maaaring pumasok sa ating bayan ng Baliwag,minabuti ng Provincial Vet Office na magsagawa ng malawakang pamamahagi ng mga Preventive Vaccine.

 

Bagamat hindi nakabilang ang bayan ng Baliwag sa mga tinamaan ng AI nitong nakaraang Agosto,sinisigurado ng PVO na hinding hindi mapapasukan ang Bayan ng Baliwag ng nasabing sakit o Virus.

Laking tuwa naman ng ating mga kapwa Baliwagenyong poultry raiser na makatanggap ng libreng bakuna para sa kanilang mga alaga.

Advertisements