Ang urban and faith based gardening seminar para sa mga guro ay naglalayon na maturuan sila ng mahalagang kaalaman sa pag tatanim sa kanilang day care garden upang maturuan nila ang mga magulang ng bawat day care student sa paghahalaman.
Ang paghahalaman o pagtatanim ng gulay ng mga magulang ay isasagawa upang maging produktibo ang kanilang oras na nilalaan sa pag aantay sa kanilang mga anak sa center, at upang maging katuwang sa pag papaunawa sa mga bata ang kahalagahan ng mga tanim na gulay. Dahil sa activity na ito ay inaasahan na mas magiging kapakipakinabang ang mga bakanteng lupang taniman sa mga day care center at magiging daan ito sa pag kakaisa ng mga magulang at makakapag bigay daan sa mas maayos at malinis na kapaligiran.
Ang mga bungang gulay ay maiuuwi ng mga magulang upang maihain sa kanilang mga tahanan at maarin din maging parte ng Supplemental Feeding sa bawat center.
Inaasahan na bago matapos ang oktubre ay nakapagsimula at nakaayos na ang mga tanim na gulay sa bawat day care centers.