Baliwag News Service

Malawakang Kamustahan sa Bayan ng Baliwag.

Nito lamang October 06, 2017 ay nagkaroon ng pagpupulong ang Municipal Action Team (Pantawid Pamilya) ng Bayan ng Baliwag alinsunod sa nakatakdang home visitation na isasagawa ng Department of Social Welfare and Development Regional Office III  katuwang ang Pamahaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ng Igg. na Punong Bayan Ferdie V. Estrella, ang nasabing home visitation o kamustahan ay naglalayon na matukoy ang naging epekto ng programa sa buhay ng mga benepisyaryo nito sa bayan ng Baliwag, na magiging mahalagang datos para sa mga pagplaplano at pag papaayos ng mga programa at serbisyong para sa bawat pamilyang Pilipino. Nasa nasabing pag pupulong sina Ms. Jona Aubree Chavez, Roschelle Ingco (Municipal Links), Caystell Bulacso, Tracelle Ann Magtalas (CDA-II), Candy Sto Domingo (PDO-I) at Ms. Mercy Grace Ventura (MAT Team Leader).

Inaasahan na magsimula ang malawakang Kamustahan sa bayan ng Baliwag sa darating na lunes kung saan ang mga field workers ng DSWD ay bibisita sa mga tahanan ng bawat Pantawid Pamilya Benficiaries kung saan sila ay kakapanayamin ukol sa naging epekto ng programa sa kanilang pamumuhay.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.