Baliwag News Service serbisyong may malasakit Social protection

DOH, siniyasat ang Breastfeeding Station ng Munisipyo ng Baliwag

OCTOBER 6, 2017. Sumailalim kahapon sa isang preliminary assessment ng Department of Health ang Breastfeeding Station ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag tungo sa paggawad ng certification, na magsisilbing katibayan ng pagsunod ng pamahalaan sa mga itinakdang mandato ng Republic Act 10028 o ang Expanded Breastfeeding Act na siya rin namang nilalaman ng Baliwag Breastfeeding Ordinance.

Layunin ng probisyon ng batas na ito na mapalawig ang breastfeeding sa pamamagitan ng paglalagay ng conducive spaces sa mga opisina o establisyimento para mapagpatuloy ng mga ina ang pagpapasuso o kaya’y para sa milk expression. Inaasahan na sa mga susunod na buwan ay muling babalik ang DOH upang opisyal na suriin ang pagpapatupad ng breastfeeding policies sa mga tanggapan at mga kawani ng pamahalaan.

Bukas ang Breastfeeding Station mula 8:00am – 5:00pm para sa mga nursing mom employees, gayon na rin sa mga bumibisitang nagpapasusong ina na may mga transakyon o lalakaring dokumento sa munisipyo.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.