Baliwag News Service

“Magkakatuwang Tungo sa Mas Dekalidad na Serbisyo ng Baliwag Day Care Service!”.

Kaugnay ng paglulunsad ng “ECCD Closing the Loop” noong nakaraang Ulat sa Bayan ng ating Igg. Punong Bayan Ferdie V. Estrella ay nagkaloob ang ilang mga pribadong establisyemento at samahan ng tulong sa Early Childhood Care and Development ng Bayan ng Baliwag.

Matapos ang pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag at ng mga nasabing pribadong Establisyemento at Samahan sa pangunguna ni Ginoong Enrique V. Tagle, Pambayang Tagapangasiwa ay nagkaroon ng magkatuwang na layunin ang lahat upang iangat ang antas ng serbisyong naibabahagi ng bawat Day Care Center sa ating bayan.

Narito ang ilan na sa mga nasabing Partners ng Lokal na Pamahalaan na nakapagbigay ng Kanilang mga paunang tulong sa mga Centers para sa taong ito:

Crown Wood Furniture : Naghandog ng 6 na Unit ng Rice Cooker para sa Sup.Feeding

Baliwag Lechon Inc: Naghandog ng 2 Unit ng LG LED TV 28″

Controlgear Electric Corporation: Nagbigay ng Cheke na nagkakahalaga ng 5000 piso

Gatmaitan Medical and Skin Clinic: Nagbigay ng Cheke na nagkakahalaga ng 5000 piso

Ma. Elena  Gonzales : Nagbigay ng halagang 5000 Piso

Water Wood Park Subdivision HOA: Nagbigay ng cheke na nagkakahalaga ng 5000 piso

Landbank of the Philippines: Nagbigay ng Rubber/ Safety Mats

Baliwag Water District: konstruksyon ng 4 na hand washing and tooth brushing area

Concepcion Subdivision HOA: 250 sqm na lupa para sa ECCD, sa pagpapatayo ng bagong center

Inaasahan na sa mga darating pang araw ay matanggap ng ECCD ng baliwag ang ilan pang mga tugon mula sa ibang katuwang na mga organisasyon at pribadong establisyemento na naging pormal ng kaiisa sa layunin at misyon ng Baliwag ECCD.

Tunay nga na mas nagiging mabunga ang pagpapabuti sa mga serbisyong Handog ng ating Lokal na Pamahalaan sa bawat Baliwagenyo sa tulong narin ng Pribadong Sektor, isang patunay na sa Bayan ng Baliwag MAGKAKATUWANG ang bawat isa sa pag Pagpapaunlad ng ating Bayan.

 

Advertisements