Baliwag News Service

Serbisyong May Malasakit, Para sa Lahat!

Advertisements

Nito lamang Setyembre 25, 2017 ay nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Baliwag at ng Baliwag Water District ukol sa inilunsad na “ECCD Closing the Loop” na pinangunahan ng Igg. Punong Bayan Ferdie Estrella at ng Pambayang Tagapangasiwa Ginoong Enrique V. Tagle, na naglalayon na magkaroon ng magkatuwang na solusyon at gampanin ang lokal at pribadong mga institusyon o korporasyon para tuldukan o solusyunan ang mga suliranin  at kakulangan sa bawat Early Childhood Care and Development Centers sa bayan ng Baliwag.

Nasa nasabing pagpupulong sina Ginoong Alvin Lee Asuro at Bb. Carolina Sa Juan na kumatawan sa Pamahalang Lokal ng Baliwag, at sina Bb. Eloisa E. Ramos (OIC-Corporate Planning Department at Ginoong Rodolfo De Leon (Information Officer) na kumatawan naman sa Baliwag Water District.

Napag usapan ang planong pagtatayo ng standard na Handwashing and Toothbrushing area ng Baliwag Water District, alinsunod sa kanilang taunang programa ng pagbibgay impormasyon sa mga batang mag aaral ng kahalagahan ng pag sisipilyo at paghuhugas ng kamay. Tinalakay ang magiging daloy ng programa ng nasabing aktibidad na kung saan ay apat ng Day Care Centers ng ating bayan ay magiging benepisyaryo nito (Poblacion B, Tarcan Mulawin, Tarcan A-B, at Barangca Day Care Center).

Nagkaroon ng maayos at mabungang pagpapalitan ng ideya at kaalman patungkol sa nasabing aktibidad ang dalawang grupo at nagkaroon ng iisang layunin upang pangalagaan at ipromote ang kalusugan at kalinisan para sa mga Batang Baliwagenyo sa ating mga Day Care Centers, inaasahan na maging sa mga nadarating na mga taon ay magiging pirmi at masugid na kapartner ng Baliwag ECCD ang Baliwag Water District para sa pagsasaayos ng daloy ng programa ng Day Care Service para sa lahat ng Batang Baliwagenyo.

Inaasahan na sa darating ng Oktubre 13, 2017 ay masisimulan na ang pag lalagay ng mga nasabing hand washing and tooth brushing area sa apat na day care center ng bayan.

Tunay nga na kapag sama sama at tulong tulong tayong sa pag resulba ng mga suliranin ay mabilis at maayos na nabibigyan solusyon ang mga ito ng magkakatuwang. Dahil sa bayan ng Baliwag, lahat ng serbisyong handog sa bawat Baliwagenyo ay garantisadong Tatak “Serbisyong may Malasakit”.

Advertisements