Sa patuloy na pagbabahagi ng mga kaalaman sa pagpapaunlad sa pamamagitan ng episyente at sustainable na mga kabuhayan para sa mga taong may kapansanan, ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) sa Pangunguna ng ating Punong Bayan Ferdie V. Estrella ay muling nagkaroon ng pagsasanay o skills training tungkol sa Meat Processing na dinaluhan ng tatlumput limang (35) PWDs. Ito ay ginanap sa Brgy. Makinabang nitong ika- 26, ng Setyembre 2017. Katuwang sa programang ito ang Department of Agrarian Reform (DAR) na kaisa rin sa layunin ng Lokal na Pamalahaan ng Baliwag na mabigyan ng pantay na oportunidad ang bawat mamayan, may kapansanan man o wala upang sila ay matulungang maiangat sa kahirapan at magkaroon ng mas katanggaptanggap na antas ng pamumuhay.
Makakaasa ang bawat isa na sa ngalan ng “Serbisyong May Malasakit” ay hindi hihinto ang Lokal na Pamahalaan upang mabigyan ng tulong at gabay ang bawat taong may kapansanan tungo sa mas maayos at masaganang buhay.
Advertisements Ngayong taong ito sa pagdiriwang natin ng Araw ng mga Banal at Araw ng mga Patay, ang Pamahalaang Bayan ay maglalagay ng Free Wi-FiVE sa ating mga Sementeryo sa Barangay ng Sto. Cristo. Maaring makaconnect ang mga pupunta sa Sementeryo mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2. Para makaconnect, buksan lamang ang Wi-Fi ng iyong […]
Advertisements Nagsimula na ang paghahanap ng magagaling na manlalaro sa bayan ng Baliwag sa edad na 14 pababa upang isali sa darating na National Schools and Camps Basketball Championships (NSCBC). Ito ay gaganapin sa bayan ng San Ildefonso sa ika- 19 ng Agosto, 2017. Ang nasabing paghahanap ng manlalaro o try out ay ginanap kahapon, […]
Advertisements BALIWAG – Nakatakdang magpulong bukas, Nobyembre 29, 2021 ang binuong Technical Working Group para sa panunumbalik ng face to face classes sa Baliwag. Ang komite na itinalaga upang tumulong na magbalangkas ng mga paiiraling patakaran patungkol sa face to face classes ay pinamumunuan ni Atty. Robert John Donesa ng Baliwag Polytechnic College kasapi ang […]