Baliwag News Service centenarians

Centenarians sa 2018 Pinapalista na!

Ang lahat nga ng mga Pilipinong aabot ng isang daan taon sa 2018 ay pinapatala ng Department of Social Welfare and Development upang makasali sa mga tatanggap ng isang daan libong piso mula sa pamahalaan.  Ang magpapatalang kapamilya ay kailangan magdala din ng mga dokumentong magpapatunay ng idad ng benepisyaryo tulad ng OSCA ID at iba pang government ID. Maaari din na magdala ng birth certificate, affidavit of disinterested persons na may idad na hindi bababa sa 80. Maaari din naman magpakita ng baptismal records o marriage certificate.

Ang mga araw ng pagpapalista ay iniusad hanggang sa Oktubre 5. Magsadya lamang sa MSWDO o kaya ay sa Community Affairs Office sa Annex Building.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.