Baliwag News Service

Baliwag, Finalist sa Meralco’s KLigtas Award at Most Business-Friendly LGU ng Philippine Chamber of Commerce and Industry

Advertisements

0Unti-unti ng nakikilala ang Bayan ng Baliwag matapos ang isang taon lamang na pagpapatupad ng mga reporma sa pamamahala. Isang taon nga ang nakalipas ay humakot ito ng award kabilang na ang pagkilala ng National Competitiveness Council bilang MOST IMPROVED FIRST CLASS MUNICIPALITY at kamakailan lamang ay nahirang muli ang Bayan ng Baliwag bilang FINALIST sa dalawang prestihiyosong grupo – ang Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI at ang MERALCO. 

Ginagawaran ng PCCI ang mga business friendly na lokal na pamahalaan base sa naging performance nito sa trade and investment promotion, ease of doing business, customer service, human resource, quality management systems at MSME Development.   Samantala, ang  KLigtas Award naman ay ginagawad ng Meralco batay sa mga naging programa nito sa Industrial Safety, disaster response at sustainable energy program.

Nakatakdang sumailalim ang Bayan ng Baliwag sa presentation at validation sa parehas na araw sa darating na Oktubre 11, 2017.

Advertisements