PWD Friendly Establishment Assessment  sa mga Banko sa Bayan ng Baliwag.

Advertisements

Nito lamang Setyembre 27, 2017 ay nagkaroon ng pagsusuri sa mga Banko sa bayan ng Baliwag, alinsunod sa hangarin ng ating Igg. Punong Bayan Ferdie Estrella at ng Pambayang Tagapangasiwa, Enrique V. Tagle na maging PWD Friendly Establishment ang bawat banko at mga establisyemento sa ating bayan.

Naatasan sina Ginoong Alvin Lee Asuro (Social Services Specialist), Bb. Carolina San Juan (Administrative Officer IV) at si Ginoong Enrique Mallari (PDAO) upang magsuri sa mga banko sa ating bayan, upang matiyak na ang mga ito ay nakatutugon sa mga espesyal na pangangailangan ng mga kliyente/ mamayan na may mga kapansanan, na tumatangkilik sa kanilang serbisyo.

Ginanap ang paunang pagsisiyasat sa mga establisyemento ngaung buwan ng setyembre hanggang oktubre para sa kategorya ng mga Banking Establishments at gaganapin ang pinal na pag sisiyasat sa buwan ng Disyembre taon 2017, kasunod ang pag gagawad sa mga Establisyementong nakapasa sa naging pamantayan upang mahirang na PWD Friendly Establishment.

Ilan sa mga banko na nainspeksyon na ay ang PS Bank, UCPB, East West Bank, Land Bank of the Philippines, at The Bank of Makati. Naging mabunga at maayos ang naganap na inspeksyon na kung saan nagpahayag ng pakikiisa ang mga naunang banko na tugunan ang mga espesyal na pangangailangan ng mga PWD, at nangako na sa darating ng disyembre ay makatugon sa mga kakulangang nasuri ngayon setyembre.

Inaasahan na bago matapos ang Oktubre ay natapos na ang paunang pag sisiyasat sa lahat ng banko sa Baliwag.

Serbisyong Baliwag, mula sa Puso, Para sa lahat, Serbisyong tatak May Malasakit !!