Nagkakaisang Layunin.

Advertisements

Nagkaroon ng Pagpupulong sa pagitan ng Home Owners Association ng Concepcion Subdivision at ng Lokal na Pamahalaan ng Baliwag alinsunod sa kagustuhan ng nasabing association na ipagkaloob na ipagamit ang parte ng lupa sa kanilang subdivision para sa Early Childhood care and Development Service ng Bayan alinsunod sa inilunsad na Closing the Loop Activity ng Punong Bayan Ferdie Estrella at Pambayang Tagapangasiwa Ginoong Enrique V. Tagle.

Nasa nasabing pagpupulong an gating Punong Bayan Ferdie Estrella kasama sina Bb. Carolina Sa Juan at Ginoong Alvin Lee Asuro na nakipag usap sa mga representante ng HOA na sina Ginoong Felipe Clarin, Lazaro Logo at Juan Cruz.

Napag usapan sa nasabing pagpupulong ang mga planong proyekto ng ECCD ng Baliwag na kung saan nais ng Pamahalaang Bayan na magtayo ng Standard Early Childhood Care and Development Center sa ipinanukalang lupa mula sa Concepcion Subdivision Home Owners Association.

Magkakaroon ng pagsasaayos ng resolusyon sa magkabilang panig at kasunod pang pag pupulong kasama ang mga konsehal ng bayan upang mapagtibay at maging klaro ang magiging Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang panig.

Tunay nga na mas nagiging maayos, at kaigaigaya an gating pamayanan, di lamang para sa mga kabataan, kundi para sa sambayanan kapag ang bawat isa ay nagtutulungan at nag kakaisa sa ikasasayos at ikauunlad ng ating mahal na Bayan.

Baliwagenyo sama sama, tulong tulong, Serbisyong May Malasakit para sa lahat!