Baliwag News Service

Sta. Barbara High School Groundbreaking Ceremonies

Advertisements
 Nakasalig sa pangarap, pangako at plano ng ating butihing Punongbayan, naganap ang Groundbreaking ng proposed Sta. Barbara High School nitong September 8,2017 sa linggo ng pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Ferdie V. Estrella. Sa pakikipag-isa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at Kagawaran ng Edukasyon, ito ang magiging ika-anim na high school sa Baliwag na susundan pa ng pagtatayo ng dalawa pang mataas na paaralan sa barangay Matangtubig at San Roque. Dinaluhan nina Ms. Mina Gracia Acosta-DepEd ASDS, Sir Peter Lacap- DepEd SGOD, mga principals, Engr. Romeo Santos- Mun. Engr, Sangguniang Barangay ng Sta. Barbara, pamunuan ng iba’t ibang PTA org., mga magulang at kaguruan. Inihain at tinalakay sa Local School Board, tinutukan ng Chief Executive ang pagsasakatuparan ng simulaing madagdagan ang mga paaralan sa ating bayan bilang isang seryosong hakbang upang maitaas ang antas at kalidad ng lahat ng level ng edukasyon at makapagbigay ginhawa sa pagpapaaral ng mga magulang sa pamamagitan ng paglalapit ng paaralan sa mga barangay na nangangailangan. Sa ngalan ng Serbisyong May Malasakit.
 

 

Advertisements