Sa pangunguna ng Person with Disability Affairs Office at sa pakikipagtulungan ng Department of Agrarian Reform ay isang daan at apat naput limang (145) na PWDs ang nahandugan ng libreng pagsasanay sa pag gawa ng Sabon, Dishwashing Liquid at Fabric Conditioner.
Hindi pa rito nagtatapos ang mga trainings at programa na laan ng bayan sa ating mga kapatid na PWD, dahil marami pang nakakasang mga pagsasanay para sa mga ito.
Inaasahan na dahil sa bagong kaalaman ay magiging tulay ito upang kahit papaano ay magkaroon sila ng pagkakakitaan bukod sakanilng regular na empleyo. Makakaasa ang lahat na hindi titigil ang ating Pamahalaan Bayan upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang bawat isa sa pag asenso.
Katuwang nyo kami, sama sama tayo tungo sa mas maayos, masagana at maunlad na Baliwag!