Baliwag News Service

“KASALAN AT BINYAGANG BAYAN , 2017”

ni Ana Viquiera

Kaugnay ng isang linggong pagdiriwang para sa ika- 38  taong kaarawan ng Igg. Ferdinand V. Estrella , Punong Bayan ng Baliwag, matagumpay na naidaos ang isang “KASALANG BAYAN” na ginanap nuong ika-5 ng Setyembre , 2017 ganap na ika-10 ng umaga sa “ BALIWAG STAR ARENA “ . Ito ay sa panguguna ng Tanggapan ng“LOCAL CIVIL REGISTRAR” kaagapay ang iba pang kasamahan sa paglilingkod sa Pamahalaang Bayan animnapu’t pitong pares ( 67 ) na mag-asawa buhat sa mahirap na pamilya na nangarap na magkaroon ng isang  legal na pagsasama ang nabiyayaan ng isang  “ KASALANG SIBIL “ na  ginampanan ng Punong Bayan.

Para pa rin sa tuloy-tuloy na daloy ng “ SERBISYONG MAY MALASAKIT “ sinundan ito ng isang “ BINYAGANG BAYAN “ nuong ika-7 ng Setyembre , 2017 na ginanap sa ST. AUGUSTINE PARISH CHURCH- Baliwag, Bulacan ganap na ika-10 ng umaga na sinalihan ng isang daan at apat  (104 )na batang   may edad na mababa sa pitong taong gulang. Ito ay pinangunahan ni “ Msgr. Andres S. Valera ,Kura Paroko ng Parokya “.

Sinagot ng Pamahalaang Bayan ang mga gastusing kaakibat ng pagsasakatuparan ng mga nabanggit na programa. Naghandog din ng isang munting salo-salo ang Punong Bayan na pinagsaluhan ng mga tumayong ninong at ninang ng nabanggit na okasyon at munting regalo para sa mga ikinasal at bininyagan.

            Dumalo rin at nagbigay suporta sina Cong. Apol Pancho na naghandog ng munting ala-ala sa pares ng mga ikinasal at cash na regalo sa mga batang bininyagan ;  Bokal Enrique Dela Cruz at Konsehala Erlene “PECHAY” Dela Cruz na nagpagamit ng isang libreng “ PHOTO BOOTH “ para sa mga larawan ng lahat ng kasali  sa nasabing programa gayundin si Bokal Maria Lourdes “ BABY “ Posadas na nagpamahagi naman ng   regalo para sa kanila .

            Ang mga nasabing selebrasyon ay nagtapos  ng may saya at pag-asang  hatid para sa lahat ng nakiisa.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.