Baliwag News Service

Convergence: Mga Tanggapan ng Pamahalaang Bayan magkakaisa para sa isang Proyektong Pangkalikasan, Pambata at Pangbayan.

Dahil narin sa pagnanais ng Pamahalang Bayan sa pangunguna ng ating Punong Bayan Ferdie Estrella, na magkaroon ng Magkakatuwang na pagganap sa responsibilidad na pag unlad ng Ating Bayan ang bawat Baliwagenyo, ay nagkaroon ng pagpupulong sa direktiba ni Ginoong Enrique V. Tagle, Tanggapan ng Pangbayang Tagapangasiwa, sina Ginoong Edgar Luna (Municipal Environment and Natural Resources Office), Ginang Arsenia Huertazuela (Municipal Agriculture Office) at Ginoong Alvin Lee Asuro (Social Services Specialist) upang magkaroon ng isang programa kung saan nakaangkla rito ang pagpapabatili ng kalinisan sa ating bayan, kaayusan sa kapaligiran at kalusugan sa bawat mag aaral sa bawat day care centers sa bawat barangay.
Magkakaroon ng Bio Intensive Gardening and Urban Gardening Training sa tulong ng opisina ng MAO para sa mga Guro at Magulang ng bawat Day Care center sa bayan ng Baliwag Upang makatulong sa pag papasaayos ng mga center pagpapaganda at pag titiyak na masusustansyang pagkain tulad ng gulay ang maipapakilala sa mga bata sa kanilang paglaki at maging dagdag ito sa paghahanda ng kanilang Supplemental Feeding. Magkakaroon din ng Weaving Training para sa mga magulang upang hindi masayang ang kanilang oras na ginugugol habang inaantay ang kanilang mga anak sa mga center bagkus ay magkaroon pa sila ng pag kakakitaan at dagdag kaalaman pang kabuhayan sa tulong ng opisina ng MENRO.
Inaasahan na maisasagawa ito sa darating na Setyembre 28,2017 para sa mas dekalidad na serbisyong may Malasakit para sa lahat ng Baliwagenyo.

Advertisements