Baliwag News Service

A P.W.D. Friendly Municipality

Advertisements

Alinsunod sa kagustuhan ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella na maging magkakatuwang ang bawat Baliwagenyo sa Kaunlaran ay nagbaba ng direktiba si Ginoong Enrique V. Tagle (Municipal Administrator) sa tanggapan ng PDAO sa pangunguna ni Ginoong Enrique Mallari Sr. na siguraduhin na ang bawat establisyemento sa baliwag ay sumusunod sa batas na nangangalaga sa karapatan ng mga taong may kapansanan.
Kaya naman sa pakikipagtulungan ng opisina ng Pambayang Tagapangasiwa, naatasan si Alvin Lee Asuro na tumulong na isaayos at alalayan ang opisina ng PWD sa pag sasagawa ng pagsusuri sa bawat establisyemento upang matiyak na lahat ito ay nakakasunod sa mga takdang batas na magpapanatili na PWD friendly ang kanilang mga tanggapan o gusali.

Nagpalabas na ng mga liham ang tanggapan ng PDAO upang mabigyang kaalaman ang mga nasabing establisyemento sa kanilang gagawing pag bisita ay pakikipag tulungan upang matiyak na ang lahat ng gusali at tanggapan sa bayang ng Baliwag ay PWD friendly ng sagayon ay mabigyan ng pantay na serbisyo ang lahat ng taong may kapansanan at masiguro na ang ating bayan at naghahandog ng dekalidad at serbisyong may malasakit sa kahit sino man.

Inaasahan na ang pagsusuri sa mga Banko ay masisimulan sa buwan ng Setyembre bago isunod ang mga Ospital, Pamilihan at iba pang establisyemento sa ating Bayan.

Advertisements