ECCD: Ang Mukha ng Pagbabago

Advertisements

Alinsunod sa Pahayag ng ating Kagalang galang Punong Bayan Ferdie Estrella sa kanyang naging Ulat ay isa isa nang pinupuntahan at nalalagyan ng mga Bagong Air Conditioning Unit ang Lahat ng Day Care Centers sa Bayan ng Baliwag, kaugnay ng nagaganap na Standardization sa Early Childhood Care and Development Service at matiyak ang maayos at komportableng kalagayan ng bawat Batang Baliwagenyo na naka enroll sa lahat ng Day Care Centers sa ating bayan.

Naipamigay narin ang mga libreng Basic Art Set, Activity Book, ID at T-Shirts sa bawat mag aaral ng lahat ng ECCD Centers ng ating Bayan at nagkakaroon din ng patuloy na paglilinang sa kakayanan at kasanayan ng bawat guro upang matiyak ang dekalidad at may malasakit na serbisyong handog ng mga ito sa ating mga estudyante.

Sa kasalukuyan ay nagaganap na ang mga pagpaplano sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga day care center upang higit na makapagbigay ng serbisyong may puso at may malasakit sa lahat ng batang baliwagenyo.