Uncategorized

2017 Ulat sa Bayan Highlights: Sari-sari store starter kits, ipinamahagi ni Mayor Ferdie sa mga pamilya ng malnourished children!

Malaking tulong po ang tindahang ito sa pagbibigay tugon sa mga pangangailangan ng mga anak ko. Sisikapin ko pong hindi na maging malnourished ang anak ko dahil may kikitain na ako. Salamat po, Mayor!” ani Aling Mary Grace, isa sa mga magulang na may malnourished na anak.

10 SEPTEMBER, 2017. Labing-limang (15) pamilyang Baliwagenyo ang tumanggap ng Sari-sari store kits mula kay Mayor Ferdie sa katatapos lamang na Ika-1 taong Ulat sa Bayan noong nakaraang Martes, ika-5 ng Setyembre, sa Baliwag Star Arena. Sila ang mga napiling benepisyaryo ng BUB Tindahan sa Nayon project na naglalayong bigyan ng tugon ang pangangailangan nila bilang mga magulang na may malnourished na anak.

Isa ang proyektong ito sa mga repormang inilatag ni Mayor Ferdie para sa programa ng Nutrisyon, na mabigyang tugon ang mga direktang sanhi ng malnutrisyon, one family at a time dahil ito ang layunin ng serbisyong may malasakit.

Serbisyong may Malasakit – this is our brand of excellence for governance. The heart of our service,ani Mayor Ferdie sa kanyang talumpati noong Ulat sa Bayan.

Ang mga Tindahang ito ay magsusulong ng mga produktong naglalakip ng Sangkap Pinoy Seal bilang isa sa mga hakbang para makaiwas sa micronutrient deficiencies. Tumanggap ang bawat pamilya ng mga panindang nagkakahalaga ng 20,000 na inaasahang mapapalago sa patuloy na pagsubaybay ng ating lokal na pamahalaan.

Marami pang pamilya ang mabibigyan ng kabuhayan sa mga susunod na buwan sa pamamagitan ng pondong ito na naisagawa sa patnubay na rin ng DTI o Department of Trade and Industry na siyang nagkaloob ng BUB fund sa Baliwag bilang dagdag pondo sa mga pangunahing proyekto ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa pangunguna ni Mayor Ferdie.

Advertisements