baliwag Baliwag News Service menro Sta Barbara

PALIT-BASURA STORE sa Barangay, inilunsad!

Advertisements

Bilang katuwang sa paghahatid ng Serbisyong may Malasakit, ang pamahalaang bayan ng Baliwag ay nagkaloob ng pampanimulang pangkabuhayan sa dalawang mapapalad na Baliwagenyo noong ika-8 ng Setyembre. Ito ay ang kauna-unahang Palit-Basura Store sa Barangay kung saan ito ay pinangunahan ng ating butihing Mayor Ferdie V. Estrella at ng mga tanggapan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Public Employment Service Office (PESO). Ang mga napiling benepisyaryo ng naturang proyekto ay sina Ate Josefina “Baby” Villaroman mula sa Barangay Tarcan at Ate Annabel “Ana” Dionisio mula naman sa Barangay Sta. Barbara.

Kaugnay nito, ang naturang Palit-Basura Store ay bahagi ng malawakang kampanya upang mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran. Ito ang magsisilbing palitan ng mga kalakal sa Barangay (plastik, bote atbp.) na maaaring ipalit ng bigas, shampoo, de lata at iba pa.

Layunin ng naturang proyekto na mas mailapit sa barangay ang mga serbisyo ng munisipyo gayundin ang pagkaroon ng panimulang pagkakakitaan ng mga residente kaalinsabay ng pangangalaga sa ating kapaligiran.

 

 

Advertisements