Baliwag News Service

Baliwag Franchise Board nagsimula ng magreset ng Numero mula 0 – 6,000.

Advertisements

Matapos nga na bigyan ng mahabang palugit ang mga kolorum na tricycle ay isinara na ng Baliwag Tricycle Franchising Board ang pagkuha ng prangkisa ng tricycle sa Baliwag. Ito ay umabot sa kulang limang libo at may inaaasahang isang libong special franchise naman ang kukuha base sa bagong resolusyon ng Baliwag Tricycle Franchise Regulatory Board.

Profiling at Intelligence

Ang susunod na regulasyon ay ang pag profile sa mga tricycle operators at drivers kung sino ang mga gumamit lamang ng address sa Baliwag ngunit hindi naman residente upang MAKANSELA ang kanilang Prangkisa. Ito ay sa dahilang SOBRA PA DIN SA KALAHATI ang bilang ng tricycle sa Baliwag base sa komputasyon at pag-aaral na ginawa kasama ang mga urban planners. Ang pagbabawas ay magpapababa ng presyo ng pasahe dahil tataas naman ang bilang ng kanilang pasada. Noong panahon na nagtaas ng sobra ang pasahe, nagsimulang magreact ang mga pasaheros sa paggamit ng substitutes tulad ng pagbili ng mga single na motor dahil mababa ang hulog at mas bababa ang kanilang gastusin.

Paghahanda 

Ang mga tricycle drivers naman na nais na magkaroon ng mga bagong hanapbuhay ay pwedeng ienrol o magtraining upang magkaroon sila ng mga bagong skills tulad ng driving, sewing at security services.

Bagong Numero, One Color System

Ang Baliwag Toda ay natalagahan na gumamit ng kulay ASUL batay sa napagkasunduan ng mga Panlalawigang Pederasyon ng mga TODA. Ang Bayan ng Plaridel ay dilaw samantala ang Bustos ay Berde. Kung kaya’t ang mga magrerenew ngayon 2017 at 2018 ay dapat magpalit ng kulay ASUL O BLUE ang Body at isang decal na lamang. Ang numero ay hindi na manggagaling sa TODA kung hindi sa Baliwag Tricycle Franchise Regulatory Board. Dahil naayos na nga ang listahan ay magkakaroon na ng bagong numero upang mapatupad talaga ang regulasyon.

Prangkisa

Ang prangkisa ay isang pribilehiyo na iginagawad ng Pamahalaan sa kaniyang mamamayan. Ito ay hindi maaaring ibenta, ilipat o ipamana kahit kanino. Ang gobyerno lamang ang may kapangyarihan na igawad ito. Kung kaya’t sa pagkamatay o pagayaw o pagreretiro ng isang tao ay nawawalan na nga ito ng bisa. Hindi ito parang titulo ng lupa na pag-aaring personal.

Huwag Bumili ng Prangkisa o Numero

Pinapaalaahanan ng ating BTFRB na huwag bumili ng prangkisa o motorsiklo. Huwag din maniwala na kasama sa pagbili ng motor ay ang prangkisa.

Pareparehas na Renewal Date

Bagama’t ang expiration ay may bisang tatlong taon, mayroon namang parehas o takdang renewal date ang mga prangkisa. Ito nga ay tuwing sa ikalawang araw ng Enero lamang. KAYA’T kahit na ang expiration ng isang prangkisa ay sa buwan pa ng Marso o Agosto ng taon, kailangan na ito ay magrenew sa buwan ng Enero kasabay ng pagisyu ng parking pass, fare matrix at ID.

Paghihigpit o Panloloko o Proteksyon

Naghihigpit nga ba ang Baliwag sa mga Tricycle drivers at operators? Pinahihirapan nga ba natin sila? Masasabi natin na maaari ngang naghihigpit ngayon ngunit ito ay hindi para pahirapan sila ngunit upang iayos ang sistema. Hindi upang pahirapan bagkus ay maiwasan ang sila ay muling maabuso dahil ang tricycle drivers ang naging biktima ng maling regulasyon; pangaabuso ng sistema at ng ilang tao na inuna ang pansariling interes lamang.

Advertisements