Baliwag News Service

Partnership Towards Global Competence.

Nagkaroon ng Pagpupulong sa pagitan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag at ng Globe Telecom hinggil sa pagnanais ng ating Punong Bayan Ferdie Estrella na higit na makasabay ang ating pamahalaang bayan sa mga pagbabago at mga inobasyon sa mga sistema ng ibat ibang uri ng transaksyon sa mga tanggapan na makakapagdulot ng mas higit na maganda at dekalidad na serbisyong may malasakit para sa mga mamayan ng Baliwag.

Naroon sa nasabing pag pupulong na pinangunahan ni Ginoong Enrique V. Tagle (Municipal Administrator), Alvin Lee C. Asuro (Social Services Specialist), Janiña Manahan (Admin Assistant MIT), Egie Santos at ang mga representante mula sa Globe na sina Ms. Claire Aznar (Solutions Specialist), Ms. Fiona Seminiano (Solutions Development), at  Ms. Rose Ann Salunga (EG Account Manager).

Tinalakay sa consultative meeting ang mga nakikitang lugar para paglilinang upang mas higit na makapaghandog ng episyenteng serbisyo. Maging ang pag papadaloy sa mga ito, epektibong pag tatala at pagsisinop ng mga datos at marami pang iba.

Naging matayog nga ang naging ideya ng Pamahalaang Bayan sa naturang partnership meeting kung saan naghangad tyo na katuwang ang Globe ay magkaroon tayo ng isang sistema ng pag tatala at pag babanko ng datos na kung saan magkakaroon ng isang unified profiling and data sharing system ang ating Pamahalaang Bayan upang sagayon ay mas mapabilis ang pag kakaroon ng mga epektibo at napapanahon na mga serbisyong may malasakit alinsunod sa mga matutukoy na pangangailangan ng taong bayan.

Ito ay isang priority project na inihain at tututukan ng Pambayang Tagapangasiwa Mr Enrique V. Tagle at Alvin Lee Asuro (Social Service Specialist) dahil sa magandang pangako ng sistema na ito na mas mailapit at mas mapaunlad ang mga serbisyong angkop sa mga pangangailangan ng bawat Baliwagenyo.

Matapos ang naturang pagpupulong ay nagkaroon naman ng technical workshop para sa mga field workers ng bayan ang Globe upang mas malinang ang kanilang kakayanan sa pag proprofile at mas maging episyente at epektibo ang mga naturang sistema na kasalukuyang ginagamit at pinaghahandaang linangin pa.

Advertisements