Baliwag News Service

Para sa lahat ng Batang Baliwagenyo.

Nagsimula ng magpamahagi ng Basic Art Set at ng Baliwag Early Childhood Care and Development Activity/ Work book para sa mga batang naka enroll sa mga Day Care Centers sa bayan ng Baliwag. Alinsunod sa kagustuhan ng Punong Bayan Ferdie V. Estrella na maging mas maayos at magkaroon ng mas dekalidad na serbisyo ang bawat day care centers, gayundin na magkaroon ng mataas na antas ng pamantayan ang pagtuturo ng mga guro sa mga batang Baliwagenyo, ay nailunsad sa tulong ni Ginoong Enrique V. Tagle ang pagkakaroon at pamamahagi ng libreng Work book para sa mga batang edad 4 pataas, kung saan ito ay magsisilbing gabay para sa mga guro at mag aaral ng day care sa arawang aktibidad sa lahat ng centers.

Tinatayang humigit kumulang sa dalawang libot dalawang daan at siyam naput dalawang (2292) mag aaral ang mabibigyan ng libreng basic art set at work book sa ating bayan.

Hindi pa dito nagtatapos ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag sa mga batang mag aaral, dahil inaasahan na sa darating na martes ay mamahagi narin ng libreng ID para sa mga mag aaral at ng kanilang mga activity sheets na magiging gabay sa pag susuri ng kanilang kalinangan na bukod pa sa mga librong ipinamamahagi.

Siya ngang tinututukan ng Pamahalaang Bayan ng Baliwag ang kalagayan at kalidad ng serbisyong handog ng mga programa at serbiyso nito sa mga batang Baliwagenyo, higit upang matiyak ang kinabukasan at maayos na pag laki ng mga ito, dahil sa bayan ng Baliwag, “Walang sino Mang Batang Baliwagenyo ang Maiiwan”.

Advertisements