Baliwag News Service

1st FVE Baliwag Inter- School Basketball Development League, Nagsimula na!

Advertisements

Sa kauna – unahang pagkakataon ay pormal nang binuksan ng may “Dugong Baliwag Pusong Baliwag” Mayor Ferdie Estrella ang 1st FVE Baliwag Inter- School Basketball Development League sa Baliwag Star Arena. Sa pangungauna ni Mayor Ferdie Estrella at katuwang ang Sports Development Office sa pamumuno ni G.Ronaldo “Baldo” Torres ang opening ceremony ay nag umpisa ng ika- 8 ng umaga noong Linggo ika -22 ng Agosto. Ayon sa Punongbayan noong sya ay maliit pa lamang, ay minsan na rin syang nangarap na makapaglaro sa sahig na tabla.  Kaya ng siya ay maupo bilang Alkalde ng bayan Baliwag ay sumigla ang kagawaran ng Palakasan sa Baliwag lalo na ang larong Basketball, at ipinararanas nya sa lahat ng kabataang Baliwagenyo ang makapaglaro sa tabla at hindi sa semento lamang. Ito ay isang paraan din ng punong bayan na mailayo sa masamang bisyo at maging aktibo sa sports na basketball ang mga kabataang Baliwagenyo. Narito ang mga sumusunod na eskwelahan ang lumahok sa palaro Baliwag North District, Baliwag South District A, Baliwag South District B, Makinabang Elementary School, Montesorri De Sagrada Familia, Our Lady of Mount Carmel, Saint Bernadette Devine Academy, Sulivan National High School, Immaculate Concepcion School of Baliwag, Living Angels Christian Academy, Marian College, Saint Jean Baptiste Academy, Saint Joseph School of Baliwag, at Vicris School.

Advertisements