Baliwag News Service

Pagkuha ng Business Permit ng mga Negosyo Iginigiit. Leasing o Pagpapaupa dapat na ikuha ng Permit  

Advertisements

Pinapaala sa lahat ng mga negosyante sa Bayan ng Baliwag na obligasyon nila na kumuha ng business permit upang legal na makapaghanapbuhay sa bayan ng Baliwag. 
Ayon sa Business Permits and Licensing Office na huwag mangamba sa pagkuha ng business permit sapagkat polisiya ng gobyerno ni Mayor Ferdie na siguruhin na ang mabilis at walang inililihim o transparent ang pagkuha ng business permit. Hindi baba sa dalawang oras ang pagkuha ng business permit ngayon dahil sa computerization program ng Pamahalaang Bayan.  Dahil nga sa ginawang computerization ay nagkaroon ng integration and data sharing scheme ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng SSS, Philhealth, Pagibig, DTI at SEC. Hindi na nga maiiwasan ang pagkuha ng business permit tulad ng dati dahil sa sistemang ito. 

Inaasahan naman ang kooperasyon ng lahat at tumaya sa kaunlaran at kinabukasan ng ating bayan. Hindi nga ito isang paghihigpit Bagkus, Nagiging episyente lamang ang pamahalaan ngayon dahil sa mga reporma sa sistema at pamamahala. 


Advertisements