Baliwag News Service

Cora Waddel at Empoy Nagpasalamat sa mga kapwa Baliwagenyo

Advertisements

Nagpasalamat nga si Cora ng Pinoy Big Brother sa napakainit na suporta ng mga Baliwagenyo sa kanya noong siya ay nasa loob ng Pinoy Big Brother house (PBB). Ang Pinoy Big Brother ay isang palabas ng ABSCBN.

Matatandaan na naging malaking bahagi ng pagkasalba ni Cora sa higit tatlong beses na eviction ay dahil sa suporta ng kanyang mga fans at siyempre ang mga kapwa Baliwagenyos niya.

Matatandaan na nanawagan si Mayor Ferdie sa lahat ng mga Baliwagenyos na suportahan si Cora bilang kababayan natin. Nataon na wala si Mayor Ferdie noong nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagpasalamat at makapunta sa Pamahalaang Bayan.

Matagal na sanang gustong makapagpasalamat ni Cora sa mga Baliwagenyos ngunit hindi mabigyan ng pagkakataon dahil sa kanyang iskedyul. Ayon sa kanya kakatapos lamang niya gumawa ng pelikula at nakatakda itong lumabas sa darating na buwan.

Tinanggap ni Municipal Administrator Enrique Tagle, Municipal Treasurer Marty Javier, Public Information Head Antonio Sablan at Municipal Information And Communications Technology Office Head Brainard Ardoña si Cora Waddel sa Pamahalaang Bayan ng Baliwag.


EMPOY, NAGPASALAMAT SA MGA KABABAYAN SA BALIWAG.

Samantala, nagpaunlak naman si Empoy Marquez sa paanyaya ng Baliwag Local Youth Office na dumalo sa Baliwag Youth Summit 2017. Masama pa nga ang pakiramdam ni Empoy ngunit nanguna sa kanya ang palabra de honor, professionalism at pagmamahal sa mga kapwa kabataan.

Nagpasalamat na din siya sa mga Baliwagenyos sa kanilang pagsuporta sa kanyang unang starring role na pelikula, Kita Kita.

Advertisements