Baliwag News Service

Anong Pagbabago?

Baliwag, Bulacan — Lampas isang taon na ang nakalipas noong ang dami-daming naghuhumiyaw ng pagbabago. Change is coming. At that time, ang taas ng idealismo natin. Ang taas ng mga pangarap. Actually, mismong si Pangulong Duterte noon ay nagsabi na mahirap ang pagbabago. But when we clamored for change, when we shouted for pagbabago, what did it really mean to you?

Pagbabago is a big word. It comes with huge responsibilities and tremendous sacrifices. When you clench your fist for change, it that all for a show no different from the days when you proudly formed a letter V with your middle and index fingers, meaning Marcos. How different was that with your L sign during Tita Cory’s incumbency and who could ever forget that thumbs up for ok during PFVR’s term. You rested with an armband during Erap’s quick hold to power. Then, the 9 year reign of PGMA. Her nine uninterrupted, glorious years was replaced by a 5-year hospital arrest. PNoy’s daang matuwid was of course a hit, just as that clench fist is.

To sum it up, we are entangled to follow a pattern – identical and cyclical An L or V or thumb’s up or the fist actually do not mean anything. It simply showed our loyalty to personalities but not loyalty to our country much less our love for the Philippines. Kung mahal talaga natin ang Pilipinas, bakit hindi natin simulan ito sa sarili, bigyan ito ng pagkakataon, campaign and be ready to bear the brunt and the sacrifices attached to it.


Lack of Discipline

Ang laki ng problema ng mga Pilipino pagdating sa disiplina. Ang hilig mag-unahan pero bakit huli pa din tayo? Ang hilig natin sumuway sa batas trapiko at sa marami pang bagay lalo’t walang nakakakita. Hangga’t makapang-iisa at hanggang makakapareklamo sige tayo ng sige.

Kapag walang lisensiya ang isang bata na nagdrive ng tricycle, hinuli ng traffic enforcer, galit sa traffic enforcer. Kapag tumawid sa highway at hindi ginamit ang footbridge, galit sa traffic enforcer. Kapag nag illegal parking, tinanggalan ng plaka, galit sa traffic enforcer. Kapag nagpark sa sidewalk, hinuli galit sa traffic enforcer. Kapag hindi hinuli ang nakapark sa sidewalk, galit ang pedestrian sa traffic enforcer. Ang hirap pagnaapektuhan na, nahirapan na, biglang nawawala na ang change. Nawawala na ang pagbabago.

Love of Country

Malaki ang pagkakaiba ng pananaw kapag sarili lang natin ang laging konsiderasyon. It’s different when we look just look at the tree not knowing that there’s a vast forest to look after. Kapag ang tingin natin ay ang epekto sa bawat sarili ay hindi na makakagawa ng maayos na polisiya.

It will all boil down to how much do we really love our country and ilan ba ang mabebenepisyuhan nito kung ang sarili ay magsasakripisyo.

Sa pagbabago madami ang ipapatupad na ngayon lang natin maririnig o kaya ay ngayon lang gagawin. Pero hindi dahil sa ipinapatupad lang ngayon ay dahil sa gustong magpahirap. Habit is an accumulation of everyday action. Araw-araw na ginagawa, hanggang nakasanayan, nakintal sa isip na kahit mali ay tama dahil nakasanayan.

Hindi dahil nakasanayan ay yun ang tama.

Nakasanayan na hindi nagbabayad ng buwis sa pagpapaupa kaya’t noong siningil ay bakit may ganyang paghihigpit. Akala ko ba gusto natin maging epektibo ang gobyerno? Akala ko ba gusto nating mabago ang bayan natin?

Nakasanayan na nga na kapag walang trabaho ay maghahanap ng pwedeng boundary hulog na tricycle at magiging tricycle driver. Kung kaya’t noong inaayos ngayon at iminumulat tayo na hindi dapat pamamasada lang ang pwedeng gawing trabaho at pwede naman na maging sewer o mananahi ang lalaki ay hindi natin yakapin ang alok ng pamahalaan na mag sanay dito. Mas gusto na kasi na mamasada dahil ang tagal sa pondohan. Ang daming panahon kahit na hindi produktibo. Hindi dahil nasanay na ang katawan natin sa ganon ay yun na nga lang ang kaya natin gawin.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.