Baliwag News Service

Mga Benepisyaryo Napagkalooban ng Puhunang Pangkabuhayan.

Kanina lamang (Agosto 14, 2017) matapos ang Flag Ceremony ay ipinagkaloob sa sampung Pantawid Pamilya Beneficiaries  (Php 100,000.00) ang halagang tig Sampung Libong piso (Php 10,000.00) para makapagsimula ng kanilang munting Negosyo o Livelihood, ito ay alinsunod sa kagustuhan ng DSWD Region III at ng ating Punong Bayan Ferdie Estrella na maitawid ang bawat Pamilya sa kahirapan. Kasama si Ginoong Enrique Tagle (Municipal Administrator) na nag gawad ng mga cheke sa mga benepisyaryo na nagmula sa DSWD Region III Sustainable Livelihood program, naroon upang kumatawan sa DSWD sina Mercy Grace Ventura (MAT Leader), Winona Reves (SLP PDO II), Jona Aubree Chavez (ML), at Roschelle Ingco (ML).

Tinatayang marami pa ang mabibigyan ng capital assistance upang higit na makatulong sa mga mamayan ng Baliwag upang higit na mapaunlad ang kanilang mga buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.